Thursday , June 4 2026
elisse mccoy mclisse

McCoy tahimik sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Elisse

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYAW pa ring sabihin ni McCoy de Leon kung ano ang mabigat na problemang nangyari sa kanila ng live in partner na si Elisse Joson na siyang naging dahilan ng kanyang paghiwalay doon. Si Elisse ba ang may problema na hindi matanggap ni McCoy?

Iyong tatay naman ni McCoy, mabilis na nagsalitang nahihiya siya sa mga nangyayari, pero nakausap na ba niya nang masinsinan ang kanyang anak at inalam ba niya ang totoong problema? May naialok ba siyang alternative solution sa problema?

Walang nakaaalam ng problema nila maliban kina Elisse at McCoy. Sila lang ang makapagbibigay ng solusyon sa kanilang problema. Nakalulungkot nga lang at sa halip na isang solusyon ang

kanilang nakita, nagkahiwalay sila. Sa aminin man nila at sa hindi angNmas magiging apektado sa kanilang naging desisyon ay ang kanilang anak.

Hindi maikakaila ang katotohanan, na pagdating ng araw apektado ng lahat ng nangyayari sa kanyang mga magulang ang bata, maliban kung magkasundo silang muli.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …