Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matet de Leon Nora Aunor

Nora at Matet okey na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGKASUNDO na pala ang dalawang nagtitinda ng tuyo at tinapa. May video pa na dinalaw ni Matet ang nanay-nanayan

niya na siya mismong sumalubong sa kanya. Nagkasundo na nga silang dalawa. Wala namang dahilan talaga para mag-away sila kung pareho man silang magtinda ng tuyo at tinapa, marami namang gumagawa niyon.

Hindi namin alam kung paano sila nagkasundo, o sino ang gumawa ng paraan para magkasundo sila, wala namang sinabing iba eh bukod nga sa inilabas na video na nagkita sila. Ang importante nagkasundo na sila.

Siguro nga, masasabing petty ang naging dahilan ng kanilang problema. Naging magkakompitensiya lang sila sa pagtitinda ng tuyo at tinapa. Hindi mo masisi si Matet. Silakbo ng damdamin iyon eh. Isipin mong iyon pang kinikilala mong nanay ang makakakompitensiya mo? Kung fans ka nga naman, kanino ka bibili? Kay Nora ba o sa ampon ng superstar? Natural may epekto iyon sa negosyo ni Matet.

Pero siguro kalaunan ay naintindihan na rin niya na kailangan din namang kumita para mabuhay ang nanay-nanayan niya. Hindi na iyon makakanta. Hindi na rin iyon aktibo sa pelikula. Wala na rin namang tv show. Saan pa kukuha ng kabuhayan iyon, sa pension ng National Artist? Kaya kailangan din namang gumawa ng paraan si Nora at ano nga ba ang masama kung magtinda rin siya ng tuyo at tinapa?

Sana magtinda na rin siya ng atsara para complete meal na.

Bibili kami.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …