Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NET25 Lets Net Together New Year 2023

Salubungin ang 2023 at makisaya sa NET25’s New Year Countdown Special para manalo sa Selfie with the Agila promo!

SALUBUNGIN ang 2023 at makisaya sa Let’s NET Together 2023 Countdown Special ng NET25 sa Philippine Arena. Makakasama sa selebrasyon ang NET25 stars, celebrities, at mga paboritong banda para salubungin ang bagong taon.

Kasama sa selebrasyon sina TITO, VIC AND JOEY, AGA MUHLACH, ERIC, EPY AND VANDOLPH QUIZON, ARA MINA, LOVE AÑOVER, EMPOY MARQUEZ, ACE BANZUELO, PRICETAGG, GLOC-9, Nobita, Alexa Miro, Jay-R, G22, Mayonnaise, Emma Tiglao, Billie Hakenson, Isabelle De Los Santos, Daiana Menezes, Rikki Mathay, Bearwin Meily, Wej Cudiamat, Tonipet Gaba, CJ Hirro and Jumanji Band at marami pang iba.

Isa rin sa highlight ng event ang world class fireworks display na mas magpapaliwanag ng kalangitan.

Inaanyayahan din na makisaya ang lahat at sumali sa Selfie with the Agila Promo, napakadali lang sumali. Kailangan lang mag-register online sa NET25.com at ilagay ang mga hinihinging detalye katulad ng kompletong pangalan at tirahan. (Numero ng tirahan, Pangalan ng kalye, Barangay, Lungsod o Bayan, at Probinsiya)

Para sa mga manonood sa telebisyon, dapat na maging handa sa pagkuha ng selfie habang nanonood ng NET Together 2023 New Year Countdown Special at matapos makuha ang litrato ay i-upload ang selfie sa NET25.com mula December 31, 2022, 10:00 p.m .hanggang January 1, 2023, 1:00 a.m.. Ang mga raffle winner ay posibleng manalo ng tatlong (3) brand new car at cash prizes na aabot ng P100,000.00.

Ang promo period ay mula 10:00 p.m. ng December 31, 2022, hanggang 1:00 a.m. ng January 1, 2023. Para sa iba pang impormasyon, i-check ang event posters o kaya naman ay bisitahin ang  www.net25.com. DTI Fair Trade Permit No. FTEB-158400 Series of 2022.

Magbubukas ang Philippine Arena grounds ng 9:00 a.m. dahil may handog ding rides, bazaar, at food market at booth stalls na nag-aalok ng iba’t ibang mga paninda at delicacy. Isa ito sa pinakamagandang lugar sa bansa para sa mga family picnic, bonding  at get-together. Magsisimula naman ang New Year Countdown ng 10:00 p.m..

Kaya naman manood na ng Let’s NET Together 2023! NET25 New Year Countdown Special at manalo ng mga papremyo sa Selfie with the Agila Promo.

Mapapanood ang NET25 sa mga sumusunod na channels: Channel 49 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (Skycable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (destiny), 25 (Satellite), at 42 (G-Sat).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …