PAGKATAPOS maging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano mas madalas mapapanood si Julia Montes pagdating ng 2023. May kasunod agad kasing project ang aktres na tiyak ikatutuwa ng fans niya.
Ang tinutukoy namin ay ang action film na Topakk na sobrang ikina-excite ni Julia.
“Siguro ang maise-share ko lang sa buong pagfi-film ko ng movie, na-inspire ako to work ulit. ‘Yun ‘yung parang naging dating sa akin while doing that film. Mas makikita pa nila ako this 2023,” pagbabahagi ni Julia sa interbyu sa kanya ngPUSH.
Naibahagi rin ni Julia na gusto niyang makatrabaho ang Star for All Season na si Vilma Santos.
“Kasi sa lahat ng napanood kong films niya, ang dami niyang nagawa, ang dami niyang naikot na characters. Parang alam ko, personally and with work, ang dami kong matututunan sa kanya. And every time na nakikita ko siya, ‘yung presence niya mararamdaman mo na you will never get intimidated sa kanya kasi ganoon siya kabait,” sambit ni Julia.
“Gusto kong ma-experience ‘yung power ng isang Vilma Santos. Favorite movie ko na andun siya is ‘Anak.’ All-time favorite ko talaga kasi idol ko rin si Ms. Claudine Barretto. Kaya ‘pag pinagsama pa ‘yung dalawa talagang solid,” may excitement na sabi pa ni Julia.