MAGBABALIK ang Rock icon na si Bamboo sa upcoming season ng The Voice Kids sa 2023 at makakasama niya ang dalawang bagong coach sa pagme-mentor ng mga future singing champion.
Si Bamboo, ay original coach ng programa simula nang ito’y mag-umpisa noong 2013 sa kanilang adult edition, at muling sumubok na magwagi sa Kids edition mula nang magwagi mula sa kanyang kuwarda si Elha Nympha noong 2015.
Ang pagbabalik ng tinaguriang Noypi hitmaker ay kinompirma sa isang omnibus trailer ng ABS-CBN programs na mapapanood sa 2023, na ipinakita noong Linggo para sa kanilang Christmas special.
“Muling maririnig ang boses ng batang Pinoy, with the OG coach Bamboo. Let’s welcome the new coaches — KZ Tandingan and Martin Nievera!” anang trailer.
Makakasama ni Bamboo sina KZ Tandingan at Martin Nievera.
Ang The Voice Kids, isang competition para sa mga edad 6 to 12 ay nagsimula na nag audition noong pang Nobyembre.
Bukod kay Elha ang mga nagwagi rin sa Voice Kids ay sina Lyca Gairanod (2014), Joshua Oliveros (2016), at Vanjoss Bayaban (2019).
Sina Lea Salonga at Sarah Geronimo ang mga datihang coach sa Voice Kids at minsan ding nakasama si Sharon Cuneta.