Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales

Jeric pagkatapos magpa-cute, makikipagsuntukan naman

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA December 23 ang finale episode ng Start-Up PH at tinanong namin si Jeric Gonzales kung ano ang natutunan niya na mga aral sa pagkakasama niya sa cast ng  GMA teleserye?

“Lessons… siguro magpakatotoo ka roon sa nararamdaman mo, ‘yung si Davidson, tinuturuan siya ng magulang niya para, well ‘yung gawin kung ano ‘yung gusto ng mga magulang niya.

“Na siguro dapat sundin kung ano ‘yung nasa puso niya, sundin niya ‘yung mga pangarap niya.”

Gumaganap si Jeric sa Start-Up PH bilang si Davidson Navarro kasama sina Bea Alonzo bilang Dani Sison, Yasmien Kurdi bilang Ina Diaz, at  Alden Richards bilang  Tristan Hernandez.

Mga magulang ni Davidson sina Sammy (Niño Muhlach) at Dang (Lovely Rivero).

May susunod na agad na proyekto si Jeric sa GMA.

“Ito na nga, suwerte, sobrang suwerte ko at blessed kasi after ‘Start Up-PH’ makakasama po ako sa upcoming series nila Kylie Padilla, si Sanya [Lopez], si Gabbi [Garcia] at saka si Michelle Dee, si Arra [San Agustin], marami po kami roon, si Vin [Abrenica] and si Kristoffer Martin.”

Ang tinutukoy ni Jeric ay ang Urduja Jewels na isang “mega-serye” ng GMA na punompuno ng aksiyon at fight scenes.

“Yes po, kaya nagpe-prepare na ako ngayon,” nakangiting wika pa ng Sparkle actor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …