Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Angelica Cervantes Sunshine Cruz

Allen Dizon sa edad 45 may offer pa rin ng pagpapa-sexy

RATED R
ni Rommel Gonzales

SIMULA December 23 mapapanood ang streaming sa Vivamax ng An Affair To Forget nina Allen Dizon, Angelica Cervantes, at Sunshine Cruz. Ito ang pinaka-unang beses na mapapanood si Allen sa Vivamax.

Masasabi ba na ni Allen na ito ang pinaka-daring na nagawa niya sa buong career niya?

“Sa ngayon… sa mga pelikula ngayon siyempre ito na ‘yung pinaka-daring, kasi matagal na akong hindi gumagawa ng mga pelikulang may lovescene, so ngayon lang ulit after siguro mga ilang years, mga 15 years ago, ganoon.

“So at least, ‘di ba, at my age, I’m 45, may mga ganitong offer pa rin sa akin and hindi naman siya ganoon ka-bold, hindi siya ganoon ka-sexy. Although alam naman natin na Vivamax ‘yan, siyempre ang ine-expect ng mga tao mas (bold) ‘yung expectations nila. Pero iba naman ‘yung ginawa namin sa pelikula, parang okay naman ‘yung ginawa namin.”

May lovescene si Allen sa pelikula kina Sunshine and Angelica? Nag-usap ba muna sila ni Sunshine bago nila ginawa ang kanilang intimate scene?

“Oo naman, and si direk Louie, kaming tatlo nag-usap kami, kung paano ‘yung execution. Paano namin ginawa ‘yung mga love scene namin. And alam naman ni direk Louie kung ano ‘yung limitations naming dalawa. 

“Ako may limitations, si Sunshine mayroon din. Of course si Angelica newcomer si Angelica, ‘yung role niya mas… kumbaga mas willing siyang magpakita ng mga ano niya… kumbaga mas sexy compared kay Sunshine,” sinabi pa ni Allen.

Sa ilalim ng 3:16 Media Network ni Len Carrillo para sa Vivamax, si Louie Ignacio ang director ng An Affair To Forget.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …