Friday , November 15 2024
npa arrest

  Lolo na miyembro ng NPA sumuko

SA hangaring makapiling ang pamilya sa Araw ng Pasko at dahil na rin sa katandaan, isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), ang sumuko na si alyas  Ka Dan, 63-anyos na nagpakilalang siya ay dating miyembro ng New People’s Army at Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.

Ayon kay PLt.Colonel Ismael C. Gauna, Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), na ang mga elemento ng Bulacan PIU, 301st MC RMFB, 24th SAC, 2SAB PNP SAF, Bulacan PECU, 70IB PA at Bulacan 2nd PMFC, ang nagsaayos ng pagsuko ni alyas  Ka Dan na nagsuko rin ng isang (1) cal 38. Revolver na may anim na bala at isang (1) MK2 hand grenade.

Ang sumuko na dating miyembro ng NPA at RHB ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng 1st PMFC para sa imbestigasyon at custodial debriefing. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …