Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Jake Cuenca

Jake walang takot makipaghalikan sa kapwa-lalaki 

RATED R
ni Rommel Gonzales

GAY lovers sina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa My Father, Myself kaya kinumusta naming kay Jake ang kissing scene nila ni Sean sa pelikula?

“Sabi ko nga noong press conference…sabi ko sobrang seamless, kasi noong first time kong gumawa ng ganyang klaseng pelikula, ‘yung ‘Lihis,’ kasama si Joem [Bascon], marami pang takot eh, marami pang fear, kasi siyempre never pa akong nakahalik ng lalaki, first time ‘yun.

“And then ang daming first, ang daming first, so maraming takot papasok ng pelikulang iyon.

“Eh ito walang takot kong pinasukan, kumbaga na-match ko ‘yung bravery ni direk, napaka-brave niyong material at kinailangan niya ng mga brave na artista at masasabi ko na si Sean de Guzman ay napaka-brave na artista!

“Sabi ko nga ako first project ko ay ‘Click,’ ‘di ba, youth-oriented show, si Sean agad parang hinagis mo agad sa malalim na part ng swimming pool at sinabi mong lumangoy kahit hindi siya marunong.

“So I’m very much impressed by Sean, magka-text nga kami nonng isang araw, sabi ko sana sa madaling panahon magkatrabaho ulit kami, sana mainstream naman para less challenging naman ‘yung next project. Inaasam kong makatrabaho si Sean ulit,” sabi pa ni Jake.

Sa ilalim ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network, kasama rin nina Jake at Sean sa pelikula na ipalalabas sa December 25 sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Allan Paule.

Sa direksiyon ni Joel Lamangan, entry ito sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Samantala, sa Abril next year ay mapapanood na ang erotic stage play na Dick Talk na kasali rin si Jake bilang si Peter North Tevez.  

Gaganap din dito sina Gold AceronNil NodaloDayanara Mae Robles, at Mikoy Morales.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …