Monday , December 23 2024
Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng inspeksiyon sa “Fireworks Capital” sa Brgy.  Turo, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes ng tanghali, 8 Disyembre.

Magkakasamang nagtungo sina PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr.; Regional Director of Police Regional Office (PRO3), PRO3 RD P/BGen. Cesar Pasiwen; Bul PPO PD P/Col. Relly Arnedo; Bulacan Gov. Daniel Fernando; Bocaue Mayor Jon-Jon Villanueva; at ang Bulacan Pyrotechnics Regulatory Board na layuning matiyak na ang mga paputok at pyrotechnic dealers, sellers, at manufacturers ay sumusunod sa ipinatutupad na regulations at guidelines na nakatala sa RA 7183 and EO 28 bilang bahagi ng patuloy na crackdown ng PNP sa mga ilegal na paputok na mapanganib sa publiko.

Napag-alaman, ang pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa mga ilegal na paputok ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 21 lumabag dito at pagkakakompiska ng maraming bilang ng ilegal na paputok tulad ng pla-pla, kabasi, dugong, sawa, iba’t ibang klase ng kwitis, coned whistle, whistle bomb, mini kwiton, luces, 5 star, higad, iba’t ibang klase ng fountains, pagoding, rambo pagoda, patong-patong na pagoda; full RC close pagoda, iba’t ibang paraphernalia tulad ng cylinder cones, crumpled papers, corn starch paste, aluminum ladle, improvised concrete cone setter; iba’t ibang finished/unfinished na firecrackers product, sako-sakong sulfur powder, potassium nitrate, barium nitrate, potassium nitrate, black powder; aluminum powder; bundle paper materials, bundles ng mitsa, at kahon-kahong  tubes.

Ayon kay P/Col. Arnedo, ang Bulacan PPO ay mahigpit na ipinatutupad ang EO No. 28 sa lahat ng manufacturers at distributors ng pyrotechnics sa lalawigan.

Dagdag ng opisyal, mayroong kabuuang 22 lisensiyadong manufacturers at 81 distributors at resellers sa lalawigan na ang 60 sa 81 distributors at resellers ay nakabase sa Bocaue. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …