Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Broken Blooms

Direk Louie Ignacio, nanawagan ng suporta para sa pelikulang Broken Blooms

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAGUMPAY ang ginanap na Red Carpet Premiere Night ng pelikulang Broken Blooms last Saturday sa Cinema 2 ng The Block North Edsa, Quezon City.

Tampok sa pelikula ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales, Jaclyn Jose, at Therese Malvar. Ito’y isinulat ni Direk Ralston Jover.

Ang event ay pinangunahan ng casts ng Broken Blooms, ni Direk Louie Ignacio, ng producer nitong si Engr. Benjamin Austria, at line producer na si Dennis Evangelista.

After ng showing ng pelikula, nanawagan si Direk Louie ng suporta sa publiko.

Aniya, “Sa wakas ay maipalalabas na po sa ating sariling bayan ang aming pelikulang Broken Blooms. Isang taon naming ginawa ito during pandemic, hindi namin maipalabas kasi sarado ang mga sinehan at hindi pa tinatanggap ng mga viewers na mayroong ulit na palabas sa sinehan.

“Kaya nagbabakasakali kami ngayon na ipalabas ito sa kauna-unahang pagkakataon dito sa Filipinas. Pero before ito maipalabas dito, kami po ay umikot na sa iba’t ibang film festivals at malugod na tinanggap ito sa ibang bansa at nagkaroon ng iba’t ibang parangal.

“Nagpapasalamat kami dahil ang pinagpaguran namin ay nagbunga nang maganda at lahat ng actors ay binigyan ng kanya-kanyang mga papuri sa iba’t ibang bansa, ganoon din ang produksiyon, ang Ben Tria Production.”

Dagdag ni Direk Louie, “Kaya nagpapasalamat kami, ito po ay napakasimpleng pelikula at sana po ay inyong magustohan.”

Marami nang awards ang nasungkit ng pelikula sa iba’t ibang international filmfest. Samantala si Jeric ay apat na Best Actor award na ang napanalunan, ang pinakahuli ay sa Montelupo Fiorentino International Independent Film Festival sa Italy.

Mapapanood na sa mga sinehan ang Broken Blooms sa December 14. Kasama sa cast nito sina Royce Cabrera, Boobay, Mimi Juareza, at Lou Veloso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …