Tuesday , April 15 2025

Trillanes, pinuri bawas-singil sa tubig

PINURI ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa anunsyong bawas-singil sa tubig.

“Ang aksyong ito ng MWSS ay isang tagumpay para sa mga residente ng Metro Manila na tahimik na pumapasan sa mataas na presyo ng tubig sa loob ng mahabang panahon,” ani Trillanes.

“Umaasa ako na ang MWSS ay patuloy na poprotekta sa karapatan ng mga konsyumer. Hinihikayat ko rin ang publiko na maging mapagmatyag sa mga mapang-abusong negosyante na nais lamang kumita at hindi iniisip ang kapakanan ng publiko,” ani Trillanes.

Sa kabila nito, nagbabala si Trillanes na itutuloy ang pag-iimbestiga  sa Senado kung hindi agad ipatutupad ng Maynilad at Manila Water ang bawas-singil sa tubig.

Kamakailan ay nabuhay ang bangayang Trillanes-Enrile nang dahil sa isyu. Itinutulak ni Trillanes ang pag-iimbestiga sa umano’y pagpapasa ng ‘di makatwirang gastusin ng Manila Water Company, Inc., at Maynilad Water Services  sa mga konsyumer, samantala si Senador Juan Ponce Enrile ay dumedepensa naman para sa mga nabanggit na water concessionaire.

“Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay sa ating punto na walang ibang nalulugi kundi ang ating mga kababayan sa sistemang ipinapatupad ng mga water concessionaire sa pagsingil. Hindi nila maaaring basta-basta ipasa ang kanilang income tax at iba pang mga gastusin sa mga konsyumer. Makaaasa kayo na patuloy nating babantayan ang mga isyu na tulad nito upang protektahan ang interes ng publiko,” diin ni Trillanes

(Niño Aclan)

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *