ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG birthday month ni Senator Imee Marcos ay sisimulan niya sa isang espesyal na vlog entry na ipinagdiriwang ang National Children’s Month this November.
Ipalalabas ito sa kanyang official YouTube channel ngayong 5 Nobyembre (Sabado) at dito, makakasama ni Sen. Imee ang isang grupo ng mga kabataan sa isang intimate at masayang bonding session na talaga namang very refreshing at heartwarming.
Mapapanood sa vlog ang chikahan ni Imee kasama ang mga bata na tinanong niya ang kanilang pananaw ukol sa mga paksa ng hunger, edukasyon, bullying, at gadgets.
Tiyak na matutuwa ang mga solid Imeenatics, na todo ang suporta sa Senadora mula nang nagbalik ito sa pag-vlog noong Enero. Talagang maaaliw sila sa mga nakaloloka, nakatutuwa, at minsan very enlightening na sagot ng mga bata sa iba’t ibang issue na mahalaga kay Imee bilang wenadora at ina.
Ano ang kanilang pananaw ukol sa eskuwela? Tungkol sa gutom? Mahalaga ba talaga ang mga gadgets sa kanilang mga buhay? Ano ang opinion ng mga murang isip sa bullying?
Alamin ang mga sagot at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.