RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI lang tarayan at patalbugan ang mapapanood sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Isang magandang kuwento rin ito tungkol sa empowered women, ayon sa isa sa lead stars nitong si Beauty Gonzalez.
Gaganap si Beauty sa serye bilang si Violet na may hinanakit sa kanyang pamilya dahil hindi magawa ng mga itong pagkatiwalaan siya sa mahahalagang bagay tulad ng negosyo.
Isa siya sa Chua sisters, apat na magkakapatid sa ama na may kanya-kanya ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.
“It really shows kung gaano tayo kalakas bilang mga babae. Kahit anong mangyari, kakayanin natin ang buhay. Sisters and family are also important,” pahayag pa ni Beauty.
Bahagi rin ng serye si Kapuso actress Thea Tolentino. Siya si Dahlia, ang kapatid na lumaking malayo sa pamilyang Chua pero mapipilitang lumapit sa mga ito dahil sa matinding pangangailangan.
Excited na si Thea sa proyekto dahil unang beses niyang makakatrababo ang karamihan ng kanyang co-stars, lalo na ang mga gaganap bilang kapatid niya.
“First time ko silang makatrabaho, lalo na si Ate Aiko [Melendez]. Nakikita ko siya sa ‘Prima Donnas’ eh. ‘Di ba ang taray-taray? Noon sa taping na, sabi ko, ay ang bait. Gulat na gulat ako,” kuwento ni Thea.
Bukod kina Beauty at Thea, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Angel Guardian at marami pang iba. Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.