Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Rillon Angela Morena Tubero Topel Lee

Vince Rillon, ginanahan makipaglampungan kay Angela Morena

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATITINDING lampungan ang mapapanood sa pelikulang Tubero ni Direk Topel Lee, collaboration ng APT Entertainment at Viva Films.

Ang Tubero ay ukol sa pag-ibig, loyalty, passion, sex, at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano pa man ang pagdaanan.

Nabanggit ni Direk Topel, ang matinding love scene ng mga bida ritong sina Vince Rillon at Angela Morena ay inabot ng isang buong araw, para makunan nang maayos.

Napagod ba si Vince sa matinding lampungan na ito?

Nakangiting saad ng aktor, “Hindi ako napagod sa love scene namin ni Angela rito. Dito ay medyo enjoy ako, kasi ay napaka-professional ng partner ko rito, napakagaling ni Angela.

“Bukod sa inaalalayan ko siya, ayaw niyang magpatalo, gusto niya ay alalayan niya rin ako. Kaya sabi ko sa kanya, salamat sa pag-alalay, kasi dapat ako ang aalalay sa kanya, pero ayaw niyang magpakabog e.

“At saka habang ginagawa namin ang sex scene ay masaya kami, hindi kami gaanong napagod, kasi may surprise kami pagkatapos naming mag-sex scene, like pinapakain kami ng ice cream. Kaya maraming salamat po sa inyo mam, maraming salamat po,” natatawang kuwento pa ni Vince.

Tampok din sa Tubero sina JC Tan, Alona Navarro, Jem Milton, Roi Alonte, at PJ Rosario.

Sa pelikulang ito, susubukin sina Paula (Angela) at Logan (JC) sa kanilang relasyon dahil hindi maibigay ni Paula ang sexual satisfaction kay Logan. Kahit na likas na mahinhin at conservative si Paula, makikipag-deal siya kay Logan at bibigyan ng ultimatum na magsasalba o magiging katapusan ng kanilang relasyon. Para hindi iwanan ni Logan, magiging determinado si Paula na ibigay ang gusto nito. Hihingi siya ng tulong kay Gimo, isang tubero na may extra service at nagbibigay aliw sa mga nagiging clients.

May mangyayari sa kanilang dalawa na magbibigay ng sexual awakening kay Paula. Pero ang dapat sana’y isang beses lang na pangyayari at inaasahan ni Paula na makatutulong sa pagsasama nila ni Logan ay magiging daan pala para mas lumalim at mas uminit ang relasyon nila ni Gimo.

Mapapanood ang Tubero sa October 21, 2022, streaming exclusively sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …