MARAMI ang napa-wow nang ibandera ni Jodi Sta. Maria ang kaseksihan habang naka-swimsuit. Ang magaling na aktres kasi ang bagong brand ambassador ng isang swimsuit line na ipinakita sa pamamagitan ng isang video campaign.
Ang Kapamilya star nga ang napili bilang latest endorser ng H&M’s Tropical Essentials collection. Dagdag siya sa mga dating celebrity endorsers din nito na sina Kim Chiu, Catriona Gray, at Andrea Brillantes sa isang beach-themed campaign.
Sa video campaign, ipinakikitata ang light moment nila habang nagsasayaw si Catriona, gayundin sina Kim at Andrea sa isang lugar.
“Embracing life and moments, living fully, and enjoying the time of being here,” ani Jodi sa pagiging parte ng campaign at patungkol sa slogan nito.