Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Javier

Sarah Javier, maraming blessings ngayong taon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY ang pagdating ng maraming biyaya sa mahusay na singer/composer na si Sarah Javier.

Ilan dito ang pelikulang Ang Bangkay ni Direk Vince Tañada, ilang teleserye at mga corporate shows, plus napasali rin siya sa pelikulang Katok ng AQ Prime.

Isa pang blessing ang natanggap recently ni Ms. Sarah sa 13th PMPC Star Awards for Music na magaganap this coming Wednesday, sa Newport Performing Arts Theater.

Nominado rito si Ms. Sarah para sa kantang Ihip ng Hangin sa kategoryang Inspirational Song Of The Year, kaya walang pagsidlan ang kanyang kagalakan.

“Masaya po ako dahil isang malaking karangalan ang ma-nominate rito sa Star Awards at mahanay sa magagaling na alagad ng industriya ng musika,” pahayag ni Ms. Sarah para sa kanyang ikalawang pagkakataong ma-nominate sa PMPC.

Ito ba ang latest single niya? “Hindi po, ang latest ko po ay Happy Anniversary na kasalukuyan pong akin pa ring ipino-promote.”

Inusisa namin ang kanyang kantang nominado sa Star Awards fo Music. “Ang Ihip ng Hangin ay isang kanta na tumatalakay sa mga naranasan natin nitong pandemya na bagamat lahat tayo ay nahirapan, mayroon pa rin tayong Diyos na maaasahan, basta manalangin ka lamang.”

Ano ang iba pang pinagkaabalahan niya this year? May bago ba siyang ilalabas na song?

Tugon niya, “Abangan po nila, may ibang songs pa po akong ire-release very soon.”

Nakangiting dagdag ni Ms. Sarah, “Habang kaya pa pong makalikha ng kanta ay gagawa at gagawa pa po tayo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …