Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes

Moments ni Gladys mas matagal pa sa Mara Clara

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA ang Moments hosted by Gladys Reyes Sommereux sa mga show ng NET25 ang talagang tinatangkilik ng televiewers. Consistent na mataas ang nakukuhang ratings nito. Kaya naman umabot na ito sa ere ng 16 years.

Siyempre pa, happy si Gladys na tumagal ng maraming taon ang kanyang show.

“Naalala ko, sabi ni Judy Ann (Santos) dinaig ng ‘Moments’ ang ‘Mara Clara’ sa tagal,” sabi ni Gladys na natatawa.

Ang Mara Clara ay ang defunct series ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Gladys at Judy Ann Santos noong mga teen-ager pa sila. Tumagal ito sa loob ng 5 taon sa telebisyon.

Patuloy niya, “Nagpapasalamat ako kasi ‘yung suporta sa akin ng  NET25, our bosses, ngayon nga po na new season, I’m very grateful kasi nandoon pa rin ‘yung pagpapahalaga nila roon sa programang ‘Moments.’ 

“May personal touch ako sa programang ‘yan, napakalapit sa puso ko niyan. Kaya po malaking bagay na hanggang ngayon sinusuportahan po nila ako,” ani Gladys.

Marami nang nai-guest si Gladys sa Moments, sino pa ba ang gusto niya na hindi pa niya naige-guest?

“Actually until now ang hindi ko pa naige-guest ay si Sen. Manny Pacquiao. Pero natutuwa ako kasi ang dami ko na pong nai-guest sa show na talaga namang malaman ‘yung aming mga kuwentuhan. And we got to know them up close and personal.

“Kahit ‘yung mga public servant na nai-guest ko po, hindi kami more on politics, ‘yung pinag-uusapan sa ‘Moments,’ kundi family, ‘yung ibang side nila na hindi pa nakikita ng mga tao.

“So ‘yun po ‘yung kagandahan sa ‘Moments.’

“Siguro isa po si Sen. Manny and of course marami pa rin naman po. Although thankful po tayo na ang dami nating nakasama sa ‘Moments’ for 16 years,” pagbabahagi pa ni Gladys.

Ang Moments ay napapanood tuwing Linggo, 4:00 p.m..

Samantala, magiging bahagi na rin ng NET25 family ang batikang broadcast-journalist na si Korina Sanchez Roxas, dahil mapapanood na rin network ang kanyang pinakabagong lifestyle show na Korina Interviews. Magsisimula ito sa October 2, Sabado, 5:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …