Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bugoy Carino EJ Laure Scarlet

Bugoy nakaramdam ng pagsisisi noong magkaanak sa murang edad  

MA at PA
ni Rommel Placente

SA edad na 16 ay nagka-baby na si Bugoy Carino mula kay EJ Laure, isang volleyball player.

Si Scarlet ang anak ng mag-asawa, na ngayon ay pitong taong gulang na.

Aminado ang dating child actor na nakaramdam siya ng pagsisisi noong magkaanak siya sa murang edad.

Totoong nanghinayang siya sa kanyang showbiz career noong bigla siyang magkaroon ng baby. Pero na-realize niyang isang blessing ang pagdating ni Scarlet sa buhay niya.

Well, aaminin ko po, noong una talaga nanghinayang po talaga ako. Habang tumatagal, nare-realize ko na kumbaga parang gift siya ni God. So blessing siya,” sabi ni Bugoy.

Aniya pa, “Kumbaga noong time na ‘yon, mas maraming blessing na pumasok sa akin. Inalis ko na sa isip ‘yong regrets ko at pagsisisi.

Natuto akong unahin family ko kaysa sarili ko, kumbaga ‘yung pangarap ko para sa kanila. 

“Walang ibibigay si God na pagsubok, blessing, o gift na hindi natin kaya. Para sa atin talaga,” aniya pa.

Samantala, isa si Bugoy sa mga bida sa pelikulang Breaking The Silence, written and directed by Errol Ropero. Executive Producers Ms. Ann Michelle Weber & Mr. Lawrence Weber under Gummy Entertainment Productions.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page. May mga nagsasabing …

Dylan Menor

Dylan Menor pressured sa serye ng Viva

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MABENTANG-MABENTA sa mga project si Dylan Menor at nasabi nitong doble ang excitement …

Xian Lim Dylan Menor Jayda Avanzado Marco Gallo

Xian proud kina Jayda, Dylan, at Marco

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BILIB kami sa disiplina ni direk Xian Lim. He was once a …

Mark Herras Crying

Mark dinagsa ng simpatya ng mga kapwa artista

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKALULUNGKOT namang talaga ang nangyari kay Mark Herras na balitang hiniwalayan na nga …

Wagas Valentines

Seryeng ukol sa pag-ibig espesyal ngayong Pebrero

RATED Rni Rommel Gonzales MAS pakikiligin ng GMA Network ang buwan ng pag-ibig sa pamamagitan ng special …