Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jos Garcia

Jos Garcia, patuloy na dinadagsa ng blessings

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGBABAKASYON ngayon sa bansa ang kilalang Pinay singer na si Jos Garcia na nakabase na sa Japan. Siya ang nasa likod ng iconic song na Ikaw Ang Iibigin Ko na may Japanese version. Taong 2006 pa sumikat ang kanta pero hanggang ngayon ay pinatutugtog pa ito sa iba’t ibang radio stations.

Sa kanyang pagdalaw sa ‘Pinas, kaliwa’t kanan ang shows niya. Bukod dito, nominado rin siya sa 13th PMPC Star Awards For Music sa kategoryang Female Acoustic Artist of the Year para sa single niyang Nagpapanggap, na mula sa komposisyon ni Rey Valera.

Ang latest single ni Ms. Jos ay ang Nami-Miss Ko Na, na available sa digital platforms tulad ng Spotify, Youtube, Apple Music, Deezer, at iba pa. Ito ay mixed and arranged by Sam Valdecantos, composed by Amandito Araneta, at produced by Ms. Jos mismo.

Nagpapasalamat naman si Ms. Jos dahil sa kanyang new endorsement ng Cleaning Mamas na exclusively distributed by Natasha Business.

As a singer, ano ang napi-feel niya kapag naa-appreciate ng audience ang kanyang performance?

Tugon ni Ms. Jos. “Bilang isang mang-aawit, isang nakapalakng achievement, isang karangalan po sa akin na naa-appreciate ang aking awitin ng mga nakikinig sa akin.

“Ang mother ko kasi ay nasa heaven na, so wala na siya at pangarap po niya kasi iyon na tinatangkilik ng mga tao ang aking musika. Kaya kapag nararamdaman ko na nagugustuhan ng mga tao ang aking inaawit, ay parang sinabi ko na rin sa nanay ko na, ‘Nay, natupad na po, ayan po natutuwa sila…’

“Kasi sabi niya sa akin noon, na ang boses ko raw po ay bigay ni God, so, i-share ko raw sa mga tao, makapagpapaligaya raw ako sa pamamagitan ng aking awitin. Iyon po ang sabi niya, so, hanggang ngayon ay nakatatak po iyan sa puso ko,” nakangiting esplika pa ng magaling na singer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …