Monday , December 23 2024
Bulacan, isinusulong ang football bilang laro para sa lahat ng edad

Bulacan, isinusulong ang football bilang laro para sa lahat ng edad

NAGTIPON at naglaro ang mga atleta mula sa loob at labas ng lalawigan sa isang friendly competition sa kauna-unahang Singkaban Football Festival na ginanap sa Bulacan Sports Complex, sa lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Linggo, 11 Setyembre, na layuning isulong ang football bilang isang laro para sa lahat ng edad.

Ayon kay Atty. Kenneth Ocampo-Lantin, pinuno ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office, ginawa ang isang araw na paligsahan bilang katumbas ng mga palaro tuwing pista sa mga barangay.

“Dito tayo sa palaro na kung saan kahit sino, babae, lalaki, bata, matanda, lahat ng mga abled-body ay maaaring mag-enjoy at mag-partake sa ating football game,” ani Lantin.

Samantala, nagpasalamat si Tournament Director Coach Emmanuel Robles ng Pinoy Wolves, Inc. sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando sa pagsuporta sa kanilang layunin na ipakilala ang football sa mga kabataan.

“Ito po ang kauna-unahang Football Festival kaya naman marami ang natutuwa. Free din po ito kaya marami po ang nahikayat na mag-join. Dinayo rin po tayo ng mga kaibigan natin mula sa ibang lalawigan. Sana rin po ay masundan pa ang ganitong klase ng gawain dito sa ating lalawigan,” ani Robles.

Hinikayat din niya ang mga kabataan na subukang maglaro ng football at magsimula habang bata pa upang maagang mahasa ang kanilang kakayahan.

Mayroong siyam na kategorya ang Football Festival kabilang ang U7 o mga pitong taon pababa, U9, U11, U13, Boys U15, Boys U17, Women’s Open, Men’s Open, at 40 pataas.

Wagi ang Pinoy Wolves Football Club (FC) sa kategoryang U7 at Boys U15; Angono FC ang nakakuha ng kampeonato sa mga kategoryang U9 at U11; Lobos FC ang nanaig sa kategoryang U13; tinalo ng Sta. Maria FC ang lahat ng kanilang kalaban sa Boys U17; kampeon ang St. Agatha FC-A sa kategoryang Women’s Open; dinomina ng Empire FC ang Men’s Open; at naghari ang Dati Fit FC sa kategoryang 40 and above.

Maliban sa mga kampeon, nagbigay rin ng parangal para sa 1st hanggang 3rd runners up at mga special award para sa MVP, Golden Booth, Best Midfielder, Best Defender, Best Goalkeeper, at Fair Play sa bawat kategorya.

Binigyan ng tropeo, team certificate, at medalya ang bawat isang rehistradong manlalaro na nag-kampeon hanggang 2nd runners up, habang tropeo at team certificate naman ang para sa mga 3rd runners up.

Gayundin, lahat ng nagwagi ng mga special award ay tumanggap ng gintong medalya bawat isa. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …