Sunday , December 22 2024
Rubilen Amit Carlo Biado Johann Chua
PHILIPPINE trio Carlo Biado, Rubilen Amit, at Johann Chua, kampeon sa 2022 Predator World Teams 10-ball.

Amit, Biado, Chua namayagpag
PH TRIO KAMPEON SA WORLD TEAMS 10-BALL

ni Marlon Bernardino

MANILA — Itinanghal na kampeon ang Filipino trio na sina Rubilen Amit, Carlo Biado, at Johann Chua sa 2022 Predator World Teams 10-ball champions nang talunin ang Team Great Britain, 3-0, sa final na ginanap sa Klagenfurt, Austria, Linggo, 11 Setyembre 2022.

Muli nakaharap ng tatlo ang kanilang mga tinalo sa shootout, 3-2, sa winner’s qualification, ang mga Pinoy tumbok king ay iginupo ang British trio nina Kelly Fisher, Jayson Shaw, at Darren Appleton tungo sa gold medal at lion’s share na 40,000 Euros to purse.

Ibinigay agad ni Amit sa Philippines ang 1-0 lead matapos ang 4-3 win kay Kelly Fisher sa women’s singles set.

Isang long shot ni Biado sa nine ball para makaungos kay Jayson Shaw, 4-3, sa men’s single set para kunin ng Team Philippines ang 2-0 commanding lead sa race-to-three series.

Ang tambalan nina Amit at Chua ang nagkamada ng 4-1 victory kontra kina Fisher at Darren Appleton sa mixed doubles para ilagay sa finishing touches ang Philippine’s unbeaten run sa nasabing torneo.

Sina Biado at Amit ay miyembro rin ng silver-medal winning team noong 2014 na natalo sa China noong final.

Patungo sa finals, ay kinakailangan talunin ng Team Philippines ang Team Poland, 3-1, sa quarter-finals at shootout wins sa Team Germany, 3-2, sa semi-finals.

“It feels amazing to be champions,” sabi ni Amit.

“We’re, we’re very, very happy, and very relieved. Finally, no more matches, we can rest and just enjoy it and enjoy Austria and Klagenfurt!

“Last time we placed 2nd and now we are finally the champions. I am very happy that I have Johann and Carlo as my teammates because they are awesome, they are very good players.”

Dagdag ni Biado : “Finally we made it. My job was to win in this event and with my team, and I want to thank them because we all played well. We have to celebrate now!”

Nagpahayag si world-renowned blogger Leslie “AnitoKid” Mapugay.

“We did it. Our Team PH wins the very prestigious 2022 Predator World 10-Ball Teams Championships.”

“Inner strength, fortitude, and passion. That will to win and take it all. To dish out the agony of defeat and realize the thrill of victory. Shut Out, Truth be told, it does not get any bigger than this. All your sacrifices – blood, sweat, and tears – have paid off. Heart of a champion Carlo Biado, Johann Gonzales Chua, and Rubilen Amit, indeed,” sabi ni Mapugay na co-founder ng Makati Pool Players Association (MAPPA), at kasalukuyang isa sa Board of Directors, at Public Relations Officer sa magiting na pamumuno ni MAPPA President Arvin Arceo.

About Marlon Bernardino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …