Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janah Zaplan Seth Fedelin

Janah Zaplan, thankful sa suporta ng fans ni Seth Fedelin

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG talented na recording artist na si Janah Zaplan ang bagong leading lady ni Seth Fedelin. Ito’y para sa music video ng single ng guwapitong aktor na pinamagatang Kundi Ikaw.

Paano niya ide-describe ang song?

Tugon ni Janah, “Ang kantang Kundi Ikaw ay magbibigay ng saya at ngiti sa inyong mga labi kapag narinig ninyo ito, dahil dito ipinapaalala kung bakit ikaw lang, bakit ikaw ‘yung natatanging taong gusto niyang makasama sa araw-araw.”

Nabanggit niya kung ano’ng klaseng ka-work si Seth.

Pahayag ni Janah, “Seth is actually a great person to work with, mabait at gentleman. In fact, kapag may scenes na for kilig purposes, he asks kung okay lang, for my consent.

“The most memorable one was when kailangan medyo maglapit ‘yung mukha namin, and after shooting that, he immediately said sorry to my dad saying ‘Pasensya na po daddy’ may kasama pang pag-bow.”

Ayon kay Janah, hindi siya nag-alala na i-bash ng fans nina Seth at Francine Diaz and Andrea Brillantes. In fact, nabanggit ng dalaga nina Daddy Boyet at Ms. Dencie Zaplan na may fans sina Seth na tanggap siya bilang partner ng kanilang idolo sa music video nito.

Aniya, “Well, may nakikita nga po akong comments na sana sila na lang po, pero it’s okay lang sa akin. Kasi I do understand where they are coming from, as fans na sumusuporta talaga sa kanila ever since. Because even I, love their chemistry.

“Pero mayroon din pong mga tumanggap sa akin na mga fans nila and for that I’m just so grateful. Kinikilig pa nga po ako sa mga comments nila na, ‘Ang ganda mo ate’, ‘Congratulations’, ‘Thank you for being there kay Seth,’ etcetera… lalo na sa Twitter po,” nakangiting sambit ni Janah.

Si Janah ay under ng Star Music and Star Pop at ang newest single niya is Maiba Naman by Trisha Denise. Ang magandang singer ay isang 3rd year student ng kursong BS in Aviation Major in Flying, at dream maging piloto someday.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …