Tuesday , May 6 2025
Bulacan Police PNP

3 tigasin dinakma sa Bulacan

SUNOD-SUNOD na inaresto ang tatlong lalaking nagsisigasigaan sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang kampanya ng pulisya laban sa krimen nitong Sabado, 3 Setyembre.

Unang nadakip ng mga tauhan ng Baliwag MPS ang suspek na kinilalang si Lafy Ditucalan, 33 anyos, residente sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan.

Nabatid na nagpapatrolya ang mga tauhan ng Baliwag MPS sa Brgy. Pinagbarilan, sa naturang bayan nang maispatan nila si Ditucalan na may sukbit na baril sa bulsa habang papasok sa isang convenience store.

Dinakip ng mga awtoridad ang suspek at kinompiska ang isang walang lisensiyang kalibre .45 baril, kargado ng limang bala at isang magasin.

Nakakulong na ang suspek sa Baliwag MPS custodial facility na nakatakdang sampahan ng kasong ng Illegal Possession of Firearms na isasampa sa korte.

Kasunod nito, inaresto ng mga tauhan ng Marilao MPS ang isang lalaki, kinilalang si Ralph Dagoy, 25 anyos, sa Brgy. Patubig, Marilao, matapos saksakin ang kanyang biktima kasunod ng mainit na pagtatalo dahil sa nakaraang relasyon.

Sasampahan ng kasong Frustrated Homicide ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Marilao MPS Jail.

Huling dinampot ng mga tauhan ng Baliwag MPS ang suspek na kinilalang si Crisanto Surigao, Jr., sa Brgy. Poblacion, Baliwag, matapos tutukan ng patalim at pagbantaang papatayin ang isang menor-de-edad na kanyang nakasagutan matapos siyang palayasin sa bahay ng kanyang pinsan.

Nakakulong ang suspek sa Baliwag MPS custodial facility na nahaharap sa kasong Grave Threat alinsunod sa RA 7610.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang pulisya sa lalawigan ay hindi nagpapabaya sa masigasig nitong kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminal at ikulong sila sa likod ng rehas ng katarungan bilang direktiba mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …