Monday , December 23 2024
Daniel Fernando Bulacan Dredging
PINANGUNAHAN ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang pag-iinspeksiyon sa isinasagawang paghuhukay (dredging) ng mga waterways sa Hagonoy at Malolos, sa Bulacan nitong Sabado, 3 Setyembre. Pinasimulan ng provincial government ang programa upang mabawasan ang pagbaha sa lugar habang hinihintay ang mga proyektong konstruksiyon ng mga dike, floodgates, at water pumps. Sinamahan si Fernando nina Vice Gov. Alexis Castro, Cong. Danilo Domingo, at iba pang opisyal ng mga bayan ng Hagonoy at Malolos. (MICKA BAUTISTA)

Dredging sa waterways sa mga binabahang bayan sa Bulacan isinagawa

INATASAN ni Gob. Daniel Fernando ang Provincial Engineering Office na dagdagan ang pondo sa paghuhukay ng mga ilog at creek sa mga bahaing lugar sa Bulacan tulad ng bayan ng Hagonoy at lungsod ng Malolos.

Sinuyo din ng gobernador ang mga pribadong kontraktor upang makahiram ng karagdagang backhoe at iba pang mga equipment upang mapabilis ang paghuhukay.

Ani Fernando, ang ilan pang bayan sa lalawigan ay isusunod nilang ipahukay ang mga ilog na aniya ay temporary solution lamang dahil ang kailangang magawa ay dike, flood gates, at pagtaas ng river wall.

Hiniling din niya ang tulong ng mga alkalde sa bawat bayan sa proyektong ito na makatutulong upang maibsan ang pagbaha sa ilang lugar sa lalawigan lalo kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan.

Habang naghihintay ng malaking solusyon  sa pagbaha tulad ng dike ay kailangan hukayin muna ang mga ilog at linisin na kanilang isinagawa nitong Sabado, 3 Setyembre. Hindi man 100% na maibsan ang pagbaha ay maaaring nasa 60% na makababawas ng pagtaas ng tubig sa mga kalsada hanggang sa mga kabahayan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …