Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang AJ Raval Kiko Estrada

Benz Sangalang, pinuri ang husay sa pelikulang Sitio Diablo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYANG-MASAYA si Benz Sangalang at manager niyang si Jojo Veloso sa magandang feedback sa mahusay na performance ng aktor sa pelikulang Sitio Diablo, na palabas na ngayon sa Vivamax.

Marami ang pumupuri sa ipinakita ng hunk actor sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Roman Perez, Jr.  Pulos mga positive nga ang feedback kay Benz sa pagganap niya rito bilang ang maangas at astig na leader ng gang na si Toniks.

Nabanggit nga sa amin ni Tito Jojo, nang nagpunta sila sa Viva office para magpasalamat si Benz kay Boss Vic del Rosario, parang nasa cloud 9 raw ang guwapitong aktor nang batiin ng Viva top honcho.

“Sabi ni Boss Vic kay Benz, ‘Ang galing mo, congratulations, ang galing mo.’

“Tapos sabi pa ni Boss Vic sa kanya, ‘Hindi ka na pang-support, pang lead role ka na.’ Kuwento pa sa amin ni Tito Jojo a.k.a. Mudrakels.

Ipinahayag ni Benz ang sobrang kagalakan sa mga pumuri sa kanyang ipinamalas na acting dito.

“Napakasaya ko po dahil nagbunga rin iyong hirap ko at malaking pasasalamat din Kay Direk Roman na nag-guide sa akin para mangyari ito.”

Aniya, “Madugo at maaksiyon ang pelikula. Siguro masasabi ko talaga na na-inspire ako sa papel na ginampanan ko rito. Sa totoo lang, mas na-challenge po ako rito dahil sa mga action scenes na ginawa namin.”

Ang movie ay tungkol sa drug trafficking at gang war. Gumaganap dito si Benz as Toniks, dito’y kinalbo ang aktor para magmukha talagang maangas at astig.

Tampok din sa Sitio Diablo sina AJ Raval, Kiko Estrada, Pio Balbuena, Karl Aquino, Azi Acosta, Shiena Yu, Sahil Khan, Ruby Ruiz, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …