Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang Azi Acosta

Benz Sangalang, tampok sa madugong aksiyon at malupit na lampungan sa Sitio Diablo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANIMO nagpakitang gilas si Benz Sangalang sa pelikulang Sitio Diablo ni Direk Roman Perez, Jr., na mapapanood sa Vivamax simula ngayong August 26.

Ang pelikula ay tungkol sa drug trafficking at gang war. Gumaganap dito si Benz as Tonix, dito’y kinalbo ang aktor para magmukha talagang maangas at astig.

Wika ni Benz, “Parang feeling ko ay mas nahasa po ako rito sa Sitio Diablo kompara sa Secrets. Mas na-challenge ako sa acting, kasi siyempre pangalawang movie ko na sa Vivamax. Marami na akong natutuhan sa una kong movie, tapos ay in-improve ko pa lalo.

Marami ang pumuri sa husay dito ni Benz. Kaabang-abang ang malupit na lampungan at astig and madugong aksiyon na mapapanood kay Benz dito.

Saad ng hunk actor, “Madugo at maaksiyon ang pelikula. And mas na-challenge po ako rito dahil sa mga action scenes na ginawa namin. Plus, dapat maangas talaga ang maging dating ko rito, ganoon po ‘yung inire-require ng character ko.”

Nabanggit din ni Benz ang kaabang-abang na love scene nila rito ni Azi Acosta sa bubungan. “Feeling namin ay parang pusa kaming naglalampungan, kasi iyon po ang peg talaga, e. Mga pusa na naglalampungan sa bubong. Okay naman kahit open siya, nag-enjoy naman ako sa eksena,” nakatawang saad ng guwapitong alaga ni Jojo Veloso.

Dagdag niya, “Medyo nag-alala lang ako dahil baka mahulog kami ni Azi kaya inaalalayan ko siya. And, talagang hubo’t hubad kami sa bubong, pero naka-plaster naman.”

Ano ang mas daring, love scene nila sa bubungan o iyong threesome?

Aniya, “Siguro ‘yung sa bubong, kakaiba kasi iyon, e. Iyong threesome, matagal at babad, ako at dalawang babae iyon e. Pero iyong lampungan sa bubungan kasi, bihira lang kasi ang gumagawa niyon, e. Kaya ibang klase talaga, talagang ipagmamalaki ko iyang bubungan scene na iyan, hahaha!”

Inamin din ni Benz na sa kanilang threesome scene ng mga hottie na sina Azi at Shiena ay may kakaiba siyang naramdaman at dito’y muntik na raw mag-react ang kanyang kargada!

Kaya hindi dapat palagpasin ang Sitio Diablo na tampok din sina AJ Raval, Kiko Estrada, Pio Balbuena, Karl Aquino, Azi Acosta, Shiena Yu, Sahil Khan, Ruby Ruiz, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …