Monday , December 23 2024
arrest, posas, fingerprints

Scammer nagpanggap na ‘US Army’ arestado

DINAKIP ng mga pulis sa lungsod ng Tarlac ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ‘package delivery scam’ na ginagawa sa pamamagitan ng social media.

Kinilala ni P/BGen. Bowenn Joey Masauding, Officer-In-Charge ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), ang suspek na si Marijoe Coquia, 31 anyos, residente ng lalawigan ng Pangasinan.

Naaresto si Coquia sa ikinasang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Cyber Financial Crime Unit at Tarlac Provincial Crime Response Team habang nagki-claim ng pera sa isang remittance center na ipinadala ng kanyang biktima.

Sa reklamo ng complainant, gumagamit si Coquia ng pangalan na “Grace Anderson” sa Facebook at nagpapanggap bilang opisyal ng United States Army na nakabase sa Syria.

Nag-imbento ang suspek ng kuwento at sinabihan ang complainant na magpapadala ng kargamento sa kanya na may kasamang cash na nagkakahalaga ng P94,000,000 ngunit kailangang magpadala ang biktima ng P110,000 na pambayad sa Customs.

Matapos magbigay ng pera ay walang natanggap ang biktima kaya nagpasaklolo siya sa mga pulis na agad umaksiyon na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …