Wednesday , May 7 2025
Philippine Airlines PAL Express

PAL nag-sorry sa pagkabalam ng mga bagahe

HUMINGI ng paumanhin ang flag carrier Philippine Airlines (PAL) sanhi ng ilang oras na pagkabalam ng paglabas ng bagahe na ikinainis ng mga pasahero nitong Lunes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, naapektohan sa naturang insidente ang mga pasahero ng flights PR113 at PR115 na dumating mula sa Los Angeles at San Francisco nitong 1 Agosto 2022.

Sa statement ng PAL, “We acknowledge the inconvenience caused by this delay and we assure our passengers that improving their travel experience is our top priority.”

Batay sa report, sanhi sa kakulangan ng baggage loader ay inabot ng tatlong oras na paghihintay ang mga pasahero ng dalawang flights at halos hindi na mapakali sa kagustohang makuha agad ang kanilang gamit.

“It is unfortunate that the labor shortage being experienced by our third-party service providers, an issue that is currently occurring at airports and affecting airlines globally, resulted to lack of station loaders and baggage personnel at the airport,” dagdag ng carrier.

Ang problemang ito ay hindi na bago sa airlines dahil isa rin ito sa mga kinakaharap sa European at ilang airports sa ibang bansa.

Sinisisi ng Heathrow Airport sa United Kingdom ang pagkabalam dahil sa kakulangan ng airline baggage handlers.

Maging sa airport ng Canada ay pinoproblema rin nila ang kakulangan ng baggage loaders.

Mayroong report na nabawasan ang bilang ng tao sa ground handling dahil sa cost cutting na ginawa ng iba’t ibang airlines simula noong pandemic.

“Nonetheless, we are assuring our customers that we are closely working with our service partners to achieve an expeditious and sustainable solution and prevent a recurrence of this unacceptable situation,”  pahayag ng PAL. (RR)

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …