Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skyway maraming pinahanga

Maraming karerista ang pinahanga ng bagong mananakbo mula sa kuwadra ni Ginoong Joey Dyhengco na si Skyway na sinakyan ni jockey Mark Angelo Alvarez sa naganap na “PCSO Maiden Race” nitong nagdaang Sabado sa pista ng Sta. Ana Park.

Sa largahan ay mabilis na umarangkada sa harapan sina Mark at bumuntot agad ang kalaban nilang si Tap Dance ni Jessie Guce. Pagdating sa may medyo milya ay magkalapit na naglaban sa banderahan sina Skyway at Tap Dance, habang nasa tersera puwesto si Great Care ni Jordan Cordova.

Pagpasok sa ultimo kuwarto ay nasa unahan pa rin si Skyway habang nakapirmis pa sa ibabaw si Mark, habang ang kasunod na si Jessie Guce ay hinihingan na ang dala niyang si Tap Dance. Pagsungaw sa rektahan ay kumalas na sa bandera at lumayo na si Skyway ng may mga limang kabayong layo laban kay Tap Dance hanggang sa makarating sa meta na marami pang ibubuga.

Pumangalawa sa datingan si Tap Dance, tersero si Great Care pang-apat si Sweetchildof mine at panglima o huli si Magical Bell. Naorasan ang tampok na takbuhan ng mabilis na 1:12.2 (25.0-22.5-25.0) para sa 1,200 meters na distansiya.

Sa naitala niyang pruweba ay marami na kaagad ang umaasa sa kanya na maging kampeon para sa grupo ng mga Juvenile

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …