Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maria Laroco

Maria Laroco nakapagsulat ng maraming kanta habang pandemya 

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA halip na magpaapekto sa pandemya ng COVID-19, naging productive si Maria Laroco sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga kanta.

“During the pandemic po, I was writing songs, kasi po I also write songs po for commercials, mga corporate po na mga campaign, and also po noong elections sumulat din po ako para sa mga candidate po, sa mga senator po, sa President po natin ngayon kay BBM [Bongbong Marcos], also kay Mayor Isko Moreno.    

“I was supposed to fly to the US at saka sa UK po for a tour pero lahat po kasi ‘yun nakansel po dahil sa pandemic.

“So ngayon po itinuloy po ulit ‘yung concert po with Ms. Rachel this July 30 na po.”

Sa July 30 ay special guest si Maria sa Rachel Alejandro: Live In Concert sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom.

Bukod kay Maria, guest din si Lance “The Crooner” Carlos.

Ang concert ay ididirehe ni Vergel Sto. Domingo at produced ng VCSD Productions.

Ang concert ticket prices ay 1,500 (VIP), 1,000 (Gold), at 700 (Silver). Para sa ticket inquiry at reservation, maaaring tumawag sa 0927-2978027 or 0917-6250328.

Sa ngayon, ang manager ni Maria ay si Rams David ng Artist Circle Talent Management Services. Nitong Hunyo ay pumirma ng kontrata si Maria kay Rams na

2019 pa sila magkakilala.

Kuwento naman ni Rams na ka-Zoom namin with Maria nitong July 11 (at siyang nag-ayos ng aming Zoom interview with Maria), nakatanggap siya ng phone call mula sa ama ni Maria.

“‘Yung dad niya talaga ang kausap ko ‘coz ‘yung dad niya ‘yung talagang masigasig sa career niya, na very good kasi family niya ‘yung tumutulong sa kanya.

“So nakita ko may talent naman siya, Nakita ko nga na she was well-received in UK, so sabi ko let’s try sa ‘Sunday Pinasaya.’

“Kaya lang talagang ang hirap ng time na ‘yun kasi that was the last year of ‘Sunday Pinasaya’, so we were cut on air.

“And then ‘yung mga planong gagawin niya the following year, which is 2020, nag-start naman ‘yung pandemic so lahat tayo naapektuhan, lahat ng plans including her plans, naapektuhan,” sinabi pa ni Rams.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …