Monday , December 23 2024
prison rape

Manyakis nasakote sa Oplan Pagtugis

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang puganteng may kinahaharap na kasong tangkang panggagahasa sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, acting chief of police ng Malolos CPS, tumulak ang mga operatiba ng nasabing estasyon para sa isang manhunt operation sa bayan ng Alfonso, sa lalawigan ng Cavite upang isilbi ang bitbit na warrant of arrest laban sa akusado na kinilalang si Brendo Canchila, tubong Bulan, Sorsogon.

Nabatid, may standing warrant of arrest laban sa suspek para sa kasong Attempted Rape na inilabas ni Presiding Judge Ma. Theresa V. Mendoza-Arcega ng Malolos City RTC Branch 17.

Matapos sampahan ng kaso, nagpakatago-tago at nagpalipat-lipat ng tirahan si Canchila hanggang matunton ng mga awtoridad ang kanyang pinagtataguan sa Alfonso, Cavite.

Ayon kay Germino, patuloy nilang tutugisin ang mga wanted person upang mapanagot sa kanilang mga ginawang krimen at mabawasan ang mga lawless elements sa komunidad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …