RATED R
ni Rommel Gonzales
MATAPOS ang successful role niya bilang Eric sa The World Between Us, ngayon naman ay napapanood ang award-winning actor na si Sid Lucero sa GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.
Challenging para kay Sid ang kanyang kontrabida role bilang Mark Santiaguel sa serye pero isa rin ito sa kanyang pinaka-inaabangang karakter. “’Yung usual emotional requirement for a protagonist is very heavy and demanding. That’s why I find it more fun to play bad guys kasi wala akong walls. I can do whatever I want.”
Si Mark ang sisira sa relasyon nina Beauty Gonzalez bilang Cindy at ang asawa niyang si Ariel Rivera bilang Onats. Magtatagumpay kaya si Mark na tuluyang wasakin ang pamilya ni Cindy?
Mapapanood ang The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Raising Mamay sa GMA Afternoon Prime.