Monday , December 23 2024
Suspek sa pagpaslang sa dalaga sa Bulacan tiklo

Killer ng lady engineer sa Bulacan umamin sa ginawang pagpaslang

UMAMIN ang suspek sa mga awtoridad sa ginawang pagpatay sa dalagang engineer sa Malolos City, Bulacan nitong nakaraang 2 Hulyo.

Ayon kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, hepe ng Malolos City Police Station (CPS), inamin ng suspek na si Darwin Hernandez De Jesus ang krimen sa kanyang pinanumpaang salaysay.

Dagdag ni Germino, lasing ang akusado nang isagawa ang krimen sa biktimang si Princess Dianne Dayor, 24 anyos, isang industrial engineer, na taga-Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Napag-alamang pagnanakaw ang motibo ng akusado kaya nang halughugin ang tinutuluyang bahay nito ay nakuha  ang ilang gamit ng biktima, ilang ID at ang kanyang ATM card.

Narekober ang cellphone ng biktima, isang iPhone 11,  sa isang stall owner sa palengke sa Malolos City kung saan ibinenta ng akusado sa halagang P3,000.

Matatandaang natagpuang patay si Dayor noong 5 Hulyo sa isang masukal na lugar sa sapa sa boundary ng Tabang, Guiguinto at Tikay, Malolos City.

Nasa kustodiya ngayon ng Malolos MPS si De Jesus na nahaharap sa patong-patong na kaso kabilang ang robbery-homicide. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …