Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tetchie Agbayani

Tetchie hindi mataray na co-star

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin si Tetchie Agbayani kung siya ba ang tipo ng artista na kapag ang kaeskena ay hindi handa ay nagtataray o ngangongompronta ng co-star? O hinahayaan na lang niya?  

“Ay hindi, hindi ako ganoon. Kasi nanggaling din ako sa newcomer ako, hindi pa ako sanay, ‘di ba? Ako I always like to emphatize with my co-actors.

“‘Yun ang aking motto sa trabaho, emphatize.

“‘Pag may kailangan silang tulong tumutulong ako, ‘pag may mga eksenang pisikal, gusto kong kausapin ‘yung kaeksena ko dahil hangga’t maaari ayoko niyong nananakit.

“Hangga’t maaari kung magagawan naman namin ng paraan na mag-synch kami, mag-coordinate kami, mas maganda lalabas ‘yung eksena na hindi na kailangang magkasakitan talaga.

“So hindi ako ‘yung mataray na co-star na naiinis or napu-frustrate kapag medyo nahihirapan ‘yung co-actor, hindi ako ganoon.

“I’m more motherly,” pahayag ni Tetchie na gumaganap bilang si Sonya de Guzman sa The Fake Life ng GMA.

Nasa The Fake Life sina Ariel RiveraBeauty GonzalezSid Lucero, na paborito  ng aming patnugot dito sa HatawShanelle AgustinCarlos DalaWill AshleyRina ReyesSaviour RamosJenny Miller, at Faye Lorenzo.

Ang The Fake Life ay idinirehe ni Adolf Alix, Jr..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …