Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon nora aunor

Lotlot proud sa pagiging National Artist ni Nora

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAHIL ay magsisitigil na ang mga troll at basher na ayaw tantanan si Lotlot de Leon.

Alam na ng lahat na kaya hindi sumama si Lotlot sa kanyang mga kapatid para tanggapin ang plake at medalya ni Nora Aunor ay dahil ito ang nagbantay sa mommy nila na may sakit habang sina Ian de Leon, Matet, Kiko, at Kenneth ay nasa Malacañang noong June 16, 2022 para tanggapin mula kay (dating) Pangulong Rodrigo Duterteang National Artist for Film na parangal para sa Superstar.

May mga tao kasing walang magawa na kinukuwestiyon at iniintriga kung bakit hindi man lang daw sumama si Lotlot sa mga kapatid niya. Paano nga siyang sasama samantalang si Lotlot ang nag-aalaga sa mommy nila nang araw na iyon.

At nitong Biyernes, July 8, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag si Lotlot tungkol sa mommy niya at sa award nito nang hingan siya ng pahayag ng guest host ng Magandang Buhay na si Judy Ann Santos.

“Oo, proud. Everyone is… we are all proud of her. Her family is very proud of her.

 “My mom is grateful for the award na ibinigay nila sa kanya. At grateful lang. Beyond words…

“So, maraming salamat lang sa lahat ng nagtitiwala, sa lahat ng nagmamahal hanggang ngayon.

“Sa lahat ng ipinaglalaban si Mommy. So, maraming salamat sa inyong lahat.”

Matagal nang usap-usapan ang tungkol sa gap ng mag-inang Nora at Lotlot pero never silang nagbigay ng anumang pahayag tungkol dito, at sa recent developments na nangyari, maaari na nating tuldukan ang isyu na ito, pero sa mga susunod na kolum namin dito sa Hataw ay magsusulat kami ng mga karagdagang pahayag pa ni Lotlot tungkol sa Superstar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …