NANATILING nakatuon ang Philippine Sports Commission (PSC) para kilalanin ang natatanging kontribusyon at inisyatiba na may kaugnayan sa kababaihan at sports development sa grassroots level sa pamamagitan ng Gintong Gawad (GiGa) 2022.
Tinapos ng komisyon ang takbo ngayong taon ng Gintong Gawad Awards sa isang gala awards night na sumigwada sa Subic Travelers Hotel nung June 14, 2022, na ang walong nanalo at dalawang espesyal na na citations ay ipinagkaloob.
Binigyang halaga ni PSC Women in Sports overseeing Commissioner Celia Kiram ang suporta ng grassroots communities sa pagtulong sa PSC sa adhikain nitong makapag-develop ng homegrown top-performing athletes sa pamamagitan ng iba’t iang programa ng PSC.
“We at PSC-Women in Sports are delighted to receive numerous nominations as it signifies the strong presence of sports development in our local communities and at the grassroots level,” sabi ni Commissioner.
“We are humbled by this reminder that Philippine sports need our attention, care and support not only at the national level but most significantly at the grassroots as this is where Filipino sports talent and potential national athletes emerge.” Dagdag pa ng nag-iisang lady commissioner ng PSC.
Ang Gintong Gawad na isang national awards platform na matagumpay na inilunsad noong 2021 para iselebra at magbigay pugay sa pagpapaunlad ng kababaihan sa sports at sa grassroots level. Nagbibigay ito ng awards sa walong kategorya: Ina ng Isport, Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atletang may Kapansanan, Modelo ng Kabataan; Babaeng Tagasanay ng Isport; Babaeng Lider ng Isport sa Komunidad; Kaagapay ng Isports sa Komunidad; Produktong Pang-Isport na Natatangi at Makabago; at Proyektong Isport Pang-Kababaihan.