Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez

Sanya sa pagiging reyna ng GMA — Marami pa akong dapat i-improve

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULA noong magsimula sa pag-aartista si Sanya Lopez, Kapuso na ito at hindi na umalis. Rason niya, sobra-sobra magmahal ang GMA.

Siyempre po, masarap maging loyal sa isang estasyon na sobra ang pagmamahal na ibinibigay sa ‘yo. Sila po ang rason kaya may napapanood po silang Sanya Lopez ngayon.

“Utang na loob ko sa GMA ang unang mga break na ibinigay po nila sa akin sa showbiz,” ani Sanya nang makapanayam namin ito via e-mail.

Isa ring Sparkle artist si Sanya at natanong namin ito kung ano ang nakita ng management sa kanya para kunin siya bilang artist ng Sparkle?

“Siguro ang dedikasyon ko sa bawat trabahong ibinibigay po nila sa akin. Ibinibigay ko kasi ang best ko sa bawat role na napupunta sa akin at pinaghahandaan ko rin itong mabuti.”

May dream role ba si Sanya? Ano at bakit?

“Mayroon po, ‘yung heavy acting talaga.

“Either tungkol sa mga taong mentally incapacitated or may malalang sakit.

“Para hindi lang masubukan dito ang kakayanan ko pa sa acting kundi para ma-explore ko kung anong buhay mayroon talaga sila, kung ano ang iniisip nila at ano pakiramdam ng isang taong may malubhang karamdaman.”

Bida si Sanya sa top-rating GMA series na First Lady na napapanood weeknights. Isinunod na tanong naman sa dalaga ay kung nakikita ba niya ang sarili na magiging  First Lady o tatakbo sa politika?

“Hindi ko pa po masabi ‘yan ngayon.

“Para kasing mahirap pumasok sa politics. At dapat malawak ang experience mo pagdating sa politika. Pero sa ngayon ‘di ko pa siya nae-entertain sa mind ko.

“Kung sa pagiging first lady naman, hindi ko rin alam eh. Kung may magkamali po na ligawan ako ng isang magiging presidente natin someday why not po,” at tumawa si Sanya.

Isa na si Sanya sa mga itinuturing na reyna ng GMA, ano ang masasabi niya sa achievement niyang ito?

“Actually hindi ko pa siya talaga naiisip, na reyna ng GMA. Sa tingin ko po marami pa talaga akong dapat pang i-improve. Malayong-malayo pa rin ako sa mga tunay na reyna po rito sa GMA.

“Pero I’m very happy sa mga nakaa-appreciate ng lahat ng ginagawa ko rito sa GMA. Pati na rin sa mga viewer na napapasaya ko, nakakataba talaga ng puso.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …