Sunday , April 6 2025
Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa kanila ang The Voice Kids Philippines, na napanood sa ABS-CBN mula May 2014 hanggang November 2019, isa si Sarah Geronimo sa magiging coach pa rin dito. Meaning, babalik na sa Kapuso Network ang Pop Princess. 

Pero, wala pala itong katotohanan, mananatili pa rin sa ABS-CBN ang singer-actress.

Ito ay ayon sa isang malapit kay Sarah. Walang balikang mangyayari. In fact, simula sa July ay mapapanood na ulit sa ASAP Natin ‘To ang misis ni Matteo Guidicelli.

Pero isang beses sa isang buwan lang  mapapanood si Sarah sa Sunday noontime musical-variety show ng Kapamilya Network.

Ang dahilan, nawiwili siya sa pagiging misis ni Matteo at nakatutok din ang atensiyon niya sa recording ng mga bagong kanta para sa kanyang bagong album.

At least, hindi naman mawawalan ng exposure si Sarah. Mapapanood pa rin siya sa telebisyon kahit once a month nga lang. ‘Yun naman ang importante, na nakikita pa rin siya sa telebisyon ng  publiko, lalo ng kanyang mga tagahanga, ‘di ba?

About Rommel Placente

Check Also

Lance Raymundo Ruru Madrid

Lance, Ruru matindi sagupaan/harapan 

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAPANOOD ngayon sa Lolong ng GMA ang actor/singer/host/influencer na si Lance Raymundo. “Sa ‘Lolong,’ para siyang …

Ruru Madrid Tessie Tomas Rowell Santiago Ketchup Eusebio

Ruru pinuri ni Ms Tessie; Rowell pasok sa Lolong  

RATED Rni Rommel Gonzales ISA si Tessie Tomas sa mga bagong mukhang mapapanood sa Lolong: Pangil ng Maynila. …

Maka

 MAKA may mahigit 200M views na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATOK na patok sa panlasa ng mga Gen Z at ng …

Sparkle Prime Workshop

Sparkle Prime Workshops for Summer 2025 tuloy ang enrollment 

RATED Rni Rommel Gonzales MAAARI pang mag-enroll para sa Sparkle Prime Workshops na maraming exciting classes ang …

Kris Aquino

Kris nakahahabag sa sobrang kapayatan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ISA rin kami sa mga nagtataka kung bakit sa gitna ng …