Friday , April 18 2025

Juan dela Cruz’, Philippines’ No. 1 show sa buwan ng Agosto

DINOMINA ng Juan dela Cruz teleserye ni Coco Martin ang No . 1 spot nationwide ratings sa buong buwan ng Agosto at ito rin ang sinasabing most watched TV program across urgan at rural areas sa Pilipinas.

Pinangunahan ng Juan dela Cruz ang iba pang Top 15 shows sa bansa,ito’y ayon na rin sa isinagawang research ng multi-national market research group na Kantar Media.

Umabot sa average national TV rating na 35.9% sa buwan ang Agosto ang Juan dela Cruz.

Gumamit ang Kantar Media ng  nationwide panel size na 2,609 urban at rural homes na nagre-represent sa 100% ng total Philippine TV viewing population.

Kung ating matatandaan, noong Mayo ay nanguna rin sa listahan ang  Juan dela Cruz na naungusan ng Ina, Kapatid, Anak at ng long-running drama anthology  Maalaala Mo Kaya noong buwan ng Hunyo at Hulyo.

Sumunod na pinakapinanonood ang Maalaala Mo Kaya na mayroong average nationwide rating na 33.7%.

Nasa ikatlong place naman ang teleserye ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang Got to Believe na mayroong nationwide ratings consistently above 30% simula nang mag-umpisa ito noong August 26, “Got to Believe.

Bale limang programa ng ABS-CBN 2 ang nasa sa Top 5 na pinakapinanonood, kasama rito ang flagship newscast na TV Patrol bilang nasa ikaapat na puwesto at mayroong 29.9%; at ang weekend fantasy anthology na Wansapanataym na nasa ikalimang puwesto a mayroong 29.7%.

Ang Muling Buksan ang Puso at ang Huwag Ka Lang Mawawala,  ay nasa ikaanim at ikapitong puwesto naman na mayroong 27.9% at 26.6% in average nationwide rating.

Nasa 12th place naman ang Annaliza, na mayroong 22% ratings.

Nananatiling numero uno naman ang ABS-CBN in terms of total audience share during the primetime block dahil mayroon itong 47%, samantalang ay GMA-7 ay mayroong lamang 32% at ang TV5 ay 10%.

Nasa Top 15 list naman ang kilig-serye nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria na mayroong 22.2% in national TV ratings last month, it placed 11th.

Ayon sa Kantar Media, ABS-CBN’s total audience share noong August ay 41%, samantalang ang GMA-7 at TV5 ay mayroon lamang 34% at 11%.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *