Thursday , December 26 2024
Dragon Lady Amor Virata

Mga bastos sa FB swak na sa kulungan

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon na ang mga FB users na ginagamit ang social media sa mga kalokohan ay mapapatawan ng parusa, at ang mga biktima nito ay gagawaran ng hustisya.

Kabilang dito ang child pornography, ang mga larawan na hindi kanais-nais, o may kabastusan.

Dahil sa batas na Data Privacy Act na ipinatupad ng administrasyong Rodrigo Duterte, kinatigan ito ng Korte Suprema na naglalayong iiwas ang mga nabibiktima. Mga taong bastos sa pagpapakalat ng mga larawan o video dahil ang social media, buong mundo ang nakaaalam, at isa itong pribado na hindi dapat isapubliko, at maging sa private message ng fb messenger.

Madalas ngayon sa foreign countries nanggagaling ang mga malalaswang panoorin, kaya marami rin ang mga kabataan na biktima ng cyber crimes.

Mabuti at namulat ang SC dahil baka magulat ka isang araw, anak mo na pala ang nasa malaswang eksena!

RESBAK NG MGA TALUNAN SA HALALAN

MARAMING impormasyon ang natanggap ng inyong lingkod na ang mga kandidato na talo sa nakalipas na eleksiyon, na bagama’t may natitira pang araw ng paglilingkod ay nagkaroon ng pagkakataon na resbakan ang mga hindi sumuporta sa kanilang kandidatura.

Isa sa mga resbak, kahit may pondo ay pagkaantala ng ilang proyekto na dapat ay tuloy-tuloy ang paggawa, ‘yun nga lang ‘di natin alam kung may pondo pa o nagamit sa panahon ng kampanyahan.

Halimbawa sa Cavite City, natalo ang anak ng ama ng dating alkalde, na si ABC President Apple Paredes.

Okey sana si Apple ayon sa kanyang mga tagasuporta, nadamay umano sa kamanyakan ng ama na kasalukuyang dinidinig ang kaso sa Mandaluyong RTC.

Sa ‘di malamang dahilan, kasong rape at child abuse ang naging desisyon sa piskalya. Bakit child abuse? Ano ba ang pang-aabuso na ginawa ng ama ni Paredes?

Kaunting araw na lang, aalis na si Mayor Totie Paredes at uupo na ang papalit dito na si former Vice-Mayor Denver Chua, may sumbong pati gasolina ng pulisya ay ‘di na ibinibigay.

Paano kikilos ang mga pulis, paano ang kanilang mga operasyon? Ganyan ang politika, ‘di ninyo ako sinuportahan, ‘di ko rin kayo susuportahan! Gano’n?

Ang dapat gawin ni mayor-elect Denver Chua, busisiin ang kaban ng bayan.

Hindi lamang ang Cavite City, lahat ng mga incumbent Mayor na natalo ng baguhan upang mabatid ng taongbayan ang paglustay ng pondo mula sa kaban ng bayan o siyudad.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …