PINAHAHALAGAHAN ng sinaunang Chinese people ang edukasyon para sa nakababatang henerasyon, kaya naman ay maraming feng shui cures na ginagamit upang mahikayat at maisulong ang pag-aaral ng mga bata.
Ayon sa Bagua, o feng shui energy map, ang West area ng inyong lugar ang responsable sa beneficial feng shui energy na konektado sa well-being ng mga bata. Kung pahahalagahan, ang feng shui bagua area na ito ay maaaring magdulot ng maswerteng kalidad ng enerhiya na maghihikayat sa mga bata sa pag-aaral.
Narito ang ilang basic feng shui tips na dapat tandaan:
*Ang feng shui element ng West ay Metal, kaya iwasan ang Fire feng shui element energy (sa kulay, hugis, imahe ng apoy) dahil sa cycle ng limang feng shui elements, tutunawin ng Fire feng shui element ang Metal feng shui element. Sa practical level, iwasan ang pagkakaroon ng red color sa dingding, artwork na may fiery energy o malaking red sofa, red or purple carpet area sa West feng shui area ng inyong bahay.
*Upang mapalakas ang feng shui area na ito, gumamit ng Metal feng shui element (colors white and gray) o Earth feng shui element (light yellow and sandy colors). Halimbawa, maaari kang magkaroon ng carpet na may earth colors at white o cream color furnishings.
*Dahil ang West feng shui ay konektado sa well-being ng mga bata, mairerekomendang magkaroon ng children’s artwork, gayundin ng happy photos ng inyong mga anak sa eryang ito. Maaari itong i-display sa white, o metal frames. Ang kombinas-yon ng items na ito ay magbubuo ng beneficial quality ng feng shui energy sa bagua area na ito na tinatawag na Children and Creativity.
*Mag-display ng mga aklat na madaling makita at madaling makuha (ng mga bata). Ideyal na ang shelf na puno ng mga aklat ang unang makita ng mga bata sa pagpasok nila sa kwarto. Ang mga aklat ay dapat na child-appropriate height, gayundin ay may mainam na reading area sa malapit na may good lighting at comfortable seating.
*Mag-display ng mapa ng mundo, o free-stan-ding globe sa alinman sa North, Northeast o West feng shui areas ng kwarto ng mga bata. Ito ay hihikayat sa feng shui energy at palalawakin ang pag-iisip ng mga bata para sa higit na malawak na pananaw sa buhay.
Lady Choi