Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlo Mortel

Marlo muling mananakot

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY horror film na nagawa ang singer-actor na si Marlo Mortel mula sa AQ Prime na Huling Lamay. Mula ito sa direksiyon ni  Joven Tan.

Happy si Marlo na nakagawa siya ulit ng isang horror film. Katwiran niya, “I love horror movies.”

Ang unang movie na nagawa ni Marlo ay isang horror, ‘yung Haunted Mansion, na pinagtambalan nila ng dati niyang ka-loveteam na si Janella Salvador.

May balitang hiwalay na si Janella at ang live-in partner nitong si Markus Paterson. Pero hindi pala aware rito si Marlo. Hindi pa kasi sila nakakapag-usap ulit ni Janella.

I don’t know kung saan sila okay. Kung ganoon ang kahihinatnan ng relationship nila, I mean, gusto ko munang ma-confirm at saka na ako magre-react.

“Basta ako, I’m happy for the both of them, kahit couple or individual.”

Samantala, ang Huling Lamay ay pampito na sa pelikulang pinagsamahan nina Marlo at Direk Joven. At basta si Direk Joven ang nag-offer kay Marlo ay umo-oo agad siya.

Direk Joven ‘yun, eh. Never naman akong tumanggi kay Direk Joven, at saka excited din akong gumawa ng horror at mag-acting ulit. First acting ko ito during pandemic.”

Sa tingin ni Marlo, sa panahon ng pandemic, nakapag-adjust ang mga tao na ang pelikula ay napapanood na sa online at hindi na lang sa mga movie theater.

Feeling ko naman, nag-adjust na ang mga tao sa two years na nag-pandemic na walang sine. Puro lang tayo mga Netflix.

“I think, mas sanay na nga sila. Sad to say, pero mas naging used na ang mga tao sa bahay lang.

“Pero I’m happy na unti-unti, going back to normal na rin ang mga pelikula, nakakanood na rin sa mga sinehan.

“Nanood kami ni Sir Martin Nievera ng pelikula sa States, ang ‘Doctor Strange,’l sabi pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …