SINABI ni Conor McGregor na nakahanda siyang lumaban muli, na ang kasaysayan niya sa UFC ay hindi pa natatapos.
Isa rin sa plano niya ang bumalik sa boxing ring. Matatandaan na natalo siya kay Floyd Mayweather nung 2017 via technical knockout sa 10th round.
Ayon sa kanya, ang kanyang pangangatawan ay nasa hustong kondisyon habang nagpeprepara siya sa kanyang pagbabalik sa octagon sa kauna-unahang pagkakataon pagkaraang mabali ang kanyang binti noong July 2021.
Sa panayam sa kanya ng Sky Sports habang masayang nanonood ng Monaco Gran Prix, sinabi ni Conor McGregor na mabilis ang paggaling niya sa tinamong injury at naghahanda na siya sa pagbabalik niya sa UFC.
Ayon kay Conor McGregor, ang kasaysayan niya sa UFC ay ” far from over” – at nabanggit din niya ang posible niyang pagbabalik sa ring sa tamang pagkakataon.
Hindi pa muling nakalaban sa octagon si McGregor pagkaraang mabali ang kanyang binti sa simula pa lang ng trilogy fight nila ni Dustin Poirier nung July 2021.
“Boxing is my first love in combat sports. I had such a great time the last time I was out there,” pahayag ni McGregor.
“Obviously, my return will be in the octagon for UFC – that story is far from over, in fact it’s just being written, it is just the beginning.
“But, boxing, for sure I will grace the squared circle again in the future.