Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Gameboys 2 maraming surprises! — Direk Perci Intalan

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

TINIYAK ni Direk Perci Intalan na maraming sorpresang dapat abangan ang fans sa The IdeaFirst Companyproduced BL series na Gameboys 2 na nakatakdang ipalabas sa May 22 via KTX at Vivamax Plus.

Naku maraming surprises. Akala ng fans nakita na nila ang kuwentong ito sa movie pero magugulat sila sa mga mangyayari. Hanggang sa huli, sabi nga ng song hahaha!” sabi ni Direk Perci na tumatayo bilang isa sa executive producers ng Gameboys kasama si Direk Jun Robles Lana.

Ang tinutukoy ni Direk Perci na Hanggang sa Huli ay kabilang sa original soundtrack o OST ng Gameboys 2 na inawit ng sikat na P-Pop group na SB19.

Ang Gameboys ang naging daan upang mas lumaki ang pangalan sa showbiz at naging road to fame ng mga bida nito na sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos, na gumaganap bilang sina Cairo at Gavreel respectively. Ngayon nga ay namamayagpag na ang career ng dalawa magkasama man o sa kanya-kanyang individual career.

Matapos ang Gameboys season one series at Gameboys The Movie, excited na ang fans at inaabangan na nila ang release ng Gameboys 2 na itinaon sa World Gameboys Day at second anniversary nito sa May 22.

Sa May 22 ay sasalang din sa Livestream sina Elijah at Kokoy, ayon sa social media post ng The IdeaFirst Company base sa naging pahayag ni Direk Perci.

Ayon sa post ng IdeaFirst, “This Sunday we’ll be able to bring Kokoy De Santos and Elijah Canlas together for a livestream to celebrate the 2nd anniv of Gameboys and the release of #Gameboys2. Their scheds are getting harder and harder to match. I guess this is our last hurrah for a while. Hope to see you all! – Direk Perci Intalan”

Sa teasers pa lang na inilabas ng IdeaFirst ay exciting na ang mga eksena at linyahan, what more pa sa kabuuan ng serye.

Directed by Ivan Andrew Payawal and written by Ash Malanum, ang Gameboys 2 ay kinatatampukan din nina Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez  at Kych Minemoto. Watch na sa May 22.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …