NAGPAHAYAG ng suporta ngayong eleksiyon 2022 ang pamunuan ng Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI) para kay presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson dahil tiwala silang siya ang makapaghahatid sa bansa ng mas maayos na direksiyon.
Sa memorandum na ipinadala ni Atty. Lucas Managuelod, chairman and chief executive officer (CEO) ng PSSLAI, hinikayat niya ang lahat ng mga empleyado sa kanilang organisasyon na pag-isipang mabuti ang kanilang mga iboboto sa darating na halalan sa 9 Mayo 2022 at piliin si Lacson bilang pangulo.
“I urge everyone to choose with discernment. We must vote for leaders based on their competence and qualifications and not on popularity. We must elect those who embody the characteristics and virtue of a true and honest leader, who respects life, protects freedom and has the best interests of his people in his heart,” aniya.
Ipinaliwanag ni Managuelod kung bakit karapat-dapat si Lacson para sa kanilang boto dahil sa kanyang malinis na track record ng mahusay na pamumuno sa loob ng maraming taon. Nagpakita rin umano ang batikang mambabatas ng mabuting karakter at prinsipyo sa 18-taon panunungkulan sa Senado.
“We must vote for a leader who advocates good governance — a leader dedicated to creating a system of government founded on justice and peace that protects the people’s rights,” ayon sa PSSLAI chairman.
Kombinsido si Managuelod, sa lahat ng kandidato na nais maging pangulo ngayong Halalan 2022, tanging si Lacson ang may malakas na kakayahang sugpuin ang katiwalian, lalo sa hanay ng mga opisyal sa gobyerno na magbabalik sa integridad ng ating pamahalaan.
“Remember that our vote has a significant impact on our future, especially our children’s future. It is time to give our country and our children the leaders they deserve. Thus, in this 2022 election, I will vote for Senator Panfilo “Ping” Lacson for President,” sabi ni Managuelod sa kanyang memo.
“I firmly believe that he is the kind of leader we all need so that our nation can be great again. Once more, let us vote wisely and responsibly this coming election. Let our [voices] be heard, and let our [votes] matter,” pagtatapos ng PSSLAI chairman at CEO.
Si Managuelod ay retiradong pulis at naging direktor ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Ang PSSLAI ay mayroong 24 empleyado at higit 200,000 miyembro na nagtatrabaho sa public safety sector, ayon sa kanilang website.
Ang PSSLAI ay isang non-stock savings and loan organization na pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at rehistrado sa Securities and Exchange Commission. Tumutulong sila sa pinansiyal na pangangailangan ng mga uniformed personnel sa PNP at Bureau of Fire Protection (BFP).