MATABIL
ni John Fontanilla
MASUWERTE ngayong taon ang si Klinton Start dahil bukod sa sandamakmak na endorsement nito mula sa Swiss dental Clinic, Aspire Magazine, Ortiz Skin Clinic, Cara Studio atbp. ay happy din ang puso nito dahil mukhang natagpuan na ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso, ang beauty queen/international Model na si Ysabella Alberto.
Young Anjanette Abayari ang hitsura ni Ysabella na Inglisera dahil lumaki sa Amerika at ngayon ay nasa Pilipinas para mag-aral at mag-modelo.
Nagkakilala sina Klinton at Ysabella sa isang event ng Aspire Magazine Philippines, na nagkagaanan ng loob, nagpalitan ng numero at kalaunan ay naging constant textmate.
Sa ngayon ay nasa puntong getting to know each other ang dalawa at masayang magkasama sa mga lakaran at events.