Sunday , December 22 2024
Marc Cubales Ate Gay

Marc Cubales, masayang maging bahagi ng benefit show na Covid Out, Ate Gay In

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KILALA sa pagiging pilantropo si Marc Cubales, kaya swak na swak siya sa benefit show na Covid Out, Ate Gay In na tinatampukan ng talented at super-kuwelang komedyanteng si Ate Gay.

Ang show ay mula sa TEAM (The Entertainment Arts & Media) at pamamahalaan ni Direk Obette Serrano. Ito ay gaganapin sa Thursday, April 28, 8pm sa Music Box Timog, Quezon City at ang baneficiary ay ang GRACES – Home for the Aged.

Pahayag ng guwapitong si Marc, “Masaya ako na maging part ng mga ganitong show tito Nonie, kasi iba pa rin yung ang project mo ay may beneficiary at may halong pagtulong.”

Si Marc din ang producer ng pelikulang Finding Daddy Blake at abala sa alfresco restaurant business niya at ipinapatayong resort. Plus, sa pagdedevelop ng property sa Thailand.

Ano ba ang pakiramdam ng isang Marc Cubales kapag nakakatulong sa kapwa?

“Nakakabusog at masaya sa pakiramdam, it has always been my goal na sana sa lahat ng gagawin ko lalo na sa work, ay may purpose talaga at laging may mga natutulungang tao,” nakangiting esplika pa niya.

Dagdag pa ni Marc, “Ate Gay is Ate Gay, walang katulad ang husay niya… Kaya siyempre ang suwerte naman na makakasama ko uli siya sa isang show. Sigurado ako na magiging successful na naman po ito.”

Anyway, special guest ni Ate Gay dito ang mga Vivamax stars na sina Sean de Guzman at Marco Gomez.

Mapapanood din dito sina Dax Martin, Regina Otic, EJ Salamante, Janah Zaplan, Erika Mae Salas, Jasmine Heart Domingo, Yohan Gomez at Lester Paul. May special number din dito si Ms. Joyce Pilarsky.

Kabilang sa pinasasalamatang sponsors sina Ms. Emma Cordero, Centerstage Productions at Direk Brillante Mendoza, Joed Serrano, Ms. Julie Defensor, Joyce Penas Pilarsky, BG Productions and PC Gooodheart ni Ms. Baby Go, Queen Eva’s Salon, Skin Light, Princess Revilla Foundation, at Beauty Lab. Nagpapasalamat din ang TEAM kay kapatid na Jobert Sucaldito.

Ang tickets, priced at P1,000 each, ay available sa entrance ng Music Box. For details, call or text Anne at 0956-960-6984 and Nonie at 0908-234-7688.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …