Monday , December 23 2024
Sean de Guzman Joel Lamangan

Direk Joel kay Sean — Magkakaroon siya ng award sa pelikula ko

MA at PA
ni Rommel Placente

PAGKATAPOS magbida sa Anak ng Macho Dancer, magbibida muli si Sean de Guzman sa isang social crime drama movie na may woking title na Fall Guy na si Direk Joel Lamangan din ang magdidirehe.

Ang Fall Guy ay istorya ng isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay.

Ang pelikula ay isinulat ni Troy Espiritu, ipinrodyus nina Len Carillo ng 3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions.

Masasabi ni Sean na ang Fall Guy ay kakaiba sa lahat ng mga nagawa niya nang pelikula dahil hindi na puro sex ang mapapanood dito. HIndi katulad ng mga nauna niyang nagawang pelikula na may tema ng hubaran. 

Iba ito sa mga usual films na ginagawa ko dati. Malayong-malayo siya. Hindi na sex ‘yung sentro ng pelikulang ito. Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor,” sabi ni Sean sa story conference ng Fall Guy.

Hindi lang sa Anak Ng Macho Dancer nakatrabaho ni Direk Joel si Sean kundi maging sa pelikulang Lockdown, Bekis on the Run, Huling Babaeng Birhen Sa Lupa, at Island of Desire.

Dahil nga ilang beses na niyang nakatrabaho si Sean, kaya alam ni Direk Joel ang kalidad ng binata bilang isang aktor. 

Puring-puri nga niya si Sean pagdating sa pag-arte. At naniniwala siya na after maipalabas ang Fall Guy ay posibleng magkaroon ng acting award rito ang aktor.

Magkakaroon siya ng award sa pelikulang ito. Sa aking pelikula siya unang nakita –‘Anak ng Macho Dancer,’ ‘Lockdown,’ at ‘yung mga kasunod pa niyang pelikula na kasama ako. Bakit ko siya pinili? Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Kaya noong ibinigay sa kanya ang proyektong ito, hindi na ako nagdalawang isip,” sabi ni Direk Joel tungkol kay Sean.

Bukod sa pagiging mahusay na aktor, hinahangaan din ni Direk Joel si Sean sa pagiging mabuti nitong tao.

At ano ang reaksiyon ni Sean sa mga papuring ito sa sa kanya ni  Direk Joel?

Thank you po kay Direk Joel. Nasabi ko po talaga kay Direk na kinakabahan ako sa peilkulang ito dahil sobrang bigat po nito. Sobrang layo ng ibang role ko rito sa mga ginawa kong project.”

Makakasama ni Sean sa Fall Guy sina Glydel Mercado,  Shamaine Buencamino, Vance Larena, Cloe Barreto,  Quinn Carillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon, at Itan Rosales.

Samantala, proud si Ms Len sa pagiging indemand actor ng alaga niyang si Sean. Hindi nga niya akalain na sa lahat ng mga talent niya ay si Sean ang unang sisikat.

Although naniniwala naman ako sa kakayahan ni Sean. Pero ‘yung siya ang unang aangat, hindi ko nakita ‘yun. Pero siya pala ang una, noh?” sabi ni Ms Len.

Hanga naman si en sa pagiging loyal sa kanya ni Sean.

Itong si Sean, ‘yung pagiging loyal niya sa akin, sobra. Ilang beses ko nang pinalayas ‘yan. Mag-iimpake siya ng mga gamit, 2 hours na, hindi pa rin umaalis. Sabi niya, ‘wala akong ma-book na grab.’ Two hours na wala ka pa ring ma-book na grab?

Sobrang loyal niyan. Napakabait na bata talaga. Kaya deserved niya na blessed siya,” sabi pa ni Len.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …