Sunday , November 24 2024

Mga liyamadong kabayo nanalo at ang bagong Parañaque

DOMINADO ng mga liyamadong kabayo ang karera noong nakaraang Sabado, Agosto 24,2013 sa karerahan ng San Lazaro Park sa Carmona Cavite. Ang mga mananaya na tumatama sa araw na yun ay natalo pa rin dahil sobra LILIIT  na dibidendo na naging resulta.

Sa mga liyamadista ay natutuwa sa ganito nagiging resulta ng karera dahil sabi nga nila ay “Double Your Money” ang taya nila sa mga liyamadong kabayo.

Sa Race 1 ng araw na yun ay dehado agad ang nanalong kabayong Pasensyosa na nirendahn ni Jockey J.A. Guce. Akala ng mga liyamadista ay tuloy-tuloy na naman na mamamayani ang mga kabayong dehado.

Sa race 2 dito nagsimula manalo ang mga LIYAMADONG kabayo hanggang matapos ang karera sa race 12. May mananaya na talo pa puhunan kahit siya ay tumama sa bawa’t race na kanyang tinatayaan dahil nga sa liit ng mga dibidendo.

Sa mga exotic bets tulad ng Trifecta, Quartet, Pentafecta, Super Six, Winner Take All. Pick Six, Pick Five at Pick Four halos talo pa ang mananaya sa ang naging resulta matapos ang karera ng araw ng yun.

‘’Mabuti pang hindi na lang ako nagkarera kung alam ko lang na magiging limayado ang magiging resulta ng karera.” Sabi ng isang apisyunado sa karera.

Maging DEHADO O LIYAMADO ang maging resulta ng mga karera dapat ay mag-ENJOY lang tayo sa ginagigigliwan nating ang “SPORTS OF KING.’

Sa mga HINETE na naman ng may middle name na “B” na ang ibig daw sabihin nito ay “BIYAHERO” sa mga biruan ng mga mananaya sa mga Off-Track Betting Stations (OTB). Parang totoo ito hindi yata biro lang.

Sino-sino sa mga hinete ang alam ninyo mga KARANCHO ko ang may mga middle name ng “B” na mahilig o madalas magbiyahe ng kanyang sakay na kabayo sa aktuwal ng karera. Alam ko alam ninyo lahat sila.

***

Tatlong buwan pa lang ang nakakaraan ay sulit na para sa mga mamaya ng Paranaque City ang panunungkulan na kanilang bagong Mayor na si Edwin L. Olivarez.

Buong puso naman ibibigay ni Mayor Edwin L. Olivarez sa kanyang mga kababayan ang tulong ng kanilang kailangan at tiwala sa Bagong Paranaque.

Noong mga nakaraang araw ng buwan ng Agosto ay nasagawa agad ang mga aktibidadis ang Lungsod ng Paranaque sa pamumuno ni Mayor Olivamez.

Nagkaroon ng Libreng Kasalan, Ground Breaking para sa Community hospital at ipinagdiwang ang araw ng Mahal na Nuestra Sra. Del  Buensuceso.

Ang Culture and Tourism Department ng Paranaque City Hall ay naging abala sa pamumuno ni Ms. Bernaette “Babes” Berenguel kasama ang kanyang Executive Assistant Mr. Alejendro “Buboy” Lauson para sa malalaking event na naganap sa buwan ng Agosto.

Tumulong ang mga iba’t-ibang departamento sa pangunguna nina Juancho F. Fajardo ng Brgy.Affairs, Mhel Ali-Poon ng Mayor Office, Cisette Ricardo ng Public Health at Renato R. Jose, OIC ng EEMD (Public Market) para sa naganap ng mga event.

Dumalo ang mga matataas na opisyal at kawani ng Paranaque City Hall sa kaarawan ni Mayor Edwin L.Olivarez at ng kanyang butihing maybahay na si Ginang Janneth Olivarez na nagdiwang din ng kanyang kaarawan.

Nakita sa pagtitipon ng gabing yun si Mayor-Kap. Dr. Pablo Olivarez ang ama ni Mayor. Naging napakasaya ang pagdidiwang ng kanilang kaarawan sa gabi yun na ginanap sa May Dragon sa may Macapagal Avenue, Pasay City.

Binabati ko ang mga kaibigan kong sina Romeo Robles,Susan Baladjay, Blu, Toti, Cris,Jun Alano at ang buong staff ng Culture and Tourism Depatment ng Paranaque City.

MABUHAY KAYONG LAHAT!

Ni FREDDIE M. MANALAC

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *